Mag-lola patay sa hit-and-run

Patay ang mag-lola habang sugatan naman ang isa pa matapos na mabiktima ng hit-and-run ang sinasakyan nilang motorsiklo Linggo nang madaling-araw sa bayan ng Minglanilla sa lalawigan ng Cebu.

mag lola patay sa hit and run - Mag-lola patay sa hit-and-run
patay 1 - Mag-lola patay sa hit-and-run

Patay ang mag-lola habang sugatan naman ang isa pa matapos na mabiktima ng hit-and-run ang sinasakyan nilang motorsiklo Linggo nang madaling-araw sa bayan ng Minglanilla sa lalawigan ng Cebu.

Dead on-the-spot si Rufina Cuda, 83, habang namatay naman habang ginagamot sa Vicente Sotto Memorial Hospital ang apo nitong si Bea Lyka Cuda, 18, matapos magtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan, habang patuloy na ginagamot ang drayber ng motorsiklong si Ronito Bacalso, 33.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa agarang pagkakakilanlan sa drayber ng kulay itim na kotse na sumalpok sa mga biktima.

Sa ulat ng Minglanilla Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente dakong ala-una nang madaling-araw sa kahabaan ng national highway sakop ng Barangay Poblacion 2 ng naturang bayan.

Lulan ng motorsiklo ang mga biktima patungo sana sa Cebu City nang banggain ng isang humaharurot na kotseng itim.

Dahil sa lakas ng bangga ay tumi­lapon ang mga sakay ng motorsiklo at sinamangpalad na mauna ang ulo pagbagsak sa sementadong kalsada ang mag-lola na kanilang ikinamatay.

Inalaam pa ng pulisya kung nakuhanan ng CCTV ang pangyayari habang tinitignan din ang mga kalsadang posibleng daanan ng suspek kung may malinaw na kuha sa plaka ng itim na sasakyan. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *