Mag-ingat sa red tide – Tolentino

NANAWAGAN si dating Presidential Political Adviser at ngayon ay senatorial candidate Atty. Francis Tolentino sa publiko na mag-ingat sa panganib na dulot ng red tide bunsod ng El Niño phenomenon.

The post Mag-ingat sa red tide – Tolentino appeared first on Abante News Online.

mag ingat sa red tide tolentino - Mag-ingat sa red tide – Tolentino
abante tol - Mag-ingat sa red tide – Tolentino

NANAWAGAN si dating Presidential Political Adviser at ngayon ay senatorial candidate Atty. Francis Tolentino sa publiko na mag-ingat sa panganib na dulot ng red tide bunsod ng El Niño phenomenon.

Ang pahayag ay ginawa ni Tolentino sa gitna ng patuloy na pananalasa ng El Niño sa bansa at sa inaasahang pagtaas ng insidente ng red tide sa mga baybay-dagat bunga ng pagtaas ng temperatura ng tubig.

“Lubhang mapanganib ang red tide sa kalusugan ng ating mga kababayan.
Maraming kaso na ng pagkamatay ang naitala dahil sa pagkalason sa mga nakaraang insidente ng pagkakaroon ng red tide. Sapagkat sadyang hindi maiiwasan ang red tide, ibayong monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang kaila­ngan upang mabigyang-babala ang ating mga mamamayan ukol sa mga baybaying apektado ng nasabing phenomenon. Gayundin, ang ating mga kababayan ay dapat na piliing mabuti ang binibiling mga produkto mula sa dagat upang makasigurong red tide-free ang mga ito,” ayon kay Tolentino.

Binigyang-diin pa ni Tolentino, dapat din na handa ang Department of Health (DOH) upang umasiste sa mga kababayan nating mabibiktima ng red tide poisoning. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Mag-ingat sa red tide – Tolentino appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *