Mag-iina huli sa pot session

KALABOSO ang isang ina, dalawang anak nito at isa pang drug suspect nang maaktuhang sumisinghot ng hinihinalang shabu sa Barangay Ilocanos Norte, San Fernando City, La Union noong Huwebes.

The post Mag-iina huli sa pot session appeared first on Abante News Online.

mag iina huli sa pot session - Mag-iina huli sa pot session
ABANTE huli jail - Mag-iina huli sa pot session

KALABOSO ang isang ina, dalawang anak nito at isa pang drug suspect nang maaktuhang sumisinghot ng hinihinalang shabu sa Barangay Ilocanos Norte, San Fernando City, La Union noong Huwebes.

Kinilala ng San Fernando City Police Station (SFCPS) ang suspek na sina Melissa Ganuelas, 37, may asawa; Dyken Frost Ganuelas, 19, at 16-an­yos pa nitong anak na lalaki at isang 17-anyos na kasamahan.

Sa report ni Philippine Drug Enforcement Agency-Region 1 information officer Bismark Bengwayan, nakatanggap sila ng ulat kaugnay ng nagaganap na pot session ng mag-iina.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad doon na naaktuhan ang mga suspek na bumabatak ng pinaghihinalaang shabu.

Nasamsam mula sa mga ito ang ilang mga tea bag ng shabu at drug paraphernalia na ginagamit sa pagsinghot ng shabu.

Nakakulong ngayon si Melissa sa SFCPS detention cell habang ipinaubaya na sa Department of Social Welfare and Development-Region 1 (DSWD-R1) ang mga naarestong menor de edad. (Allan Bergonia)

The post Mag-iina huli sa pot session appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *