Mag-asawa inararo ng pickup, todas

crime-scene-patay-dead-body

HINDI na nagising pa ang mag-asawang mangangalakal nang araruhin ng Nissan pickup habang natutulog sa bangketa sa Barangay Old Balara, Quezon City, kahapon nang hatinggabi.

mag asawa inararo ng pickup todas - Mag-asawa inararo ng pickup, todas
crime scene patay dead body - Mag-asawa inararo ng pickup, todas

HINDI na nagising pa ang mag-asawang mangangalakal nang araruhin ng Nissan pickup habang natutulog sa bangketa sa Barangay Old Balara, Quezon City, kahapon nang hatinggabi.

Kinilala ni PLt. Oliver S. Dela Cruz, hepe ng Traffic Sector 5 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit ang mag-asawang biktima sa mga pangalang Mark at Elena, kapwa walang tiyak na tirahan.

Sina Mark at Elena ay binawian ng buhay sa lugar na pinangyarihan ng aksidente dahil sa grabeng pinsalang tinamo sa katawan.

Agad namang naaresto si Elyboy Maraño Nodalo, 47-anyos, driver ng sasak­yan na mayroon lamang conduction sticker.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Traffic Sector 5, dakong alas-12:30 nang hatinggabi, natutulog umano sa bangketa sa Tandang Sora Extension ang mag-asawang nangangalakal sa bangketa sa tapat ng Vic Valley Street, Barangay Old Balara nang bigla na lamang araruhin ng Nissan pickup na minamaneho ni Nodalo ga­ling ng Philcoa.

Nabatid na halos mawasak ang pickup na ayon sa driver ay hindi na niya nakontrol ang manibela at tuloy-tuloy na rumampa sa bangketa kung saan mahimbing na natutulog ang mga biktima.

Nakapiit ngayon sa Traffic Sector 5 ang driver habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting to double homicide sa QC Prosecutors Office. (Dolly Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *