Macalintal: Media dapat magkaisa

NANAWAGAN ang kandidato ng Otso Diretso na si Atty. Romulo ‘MacaRomy’ Macalintal sa mga mamamahayag na magkaisa para kondenahin at aksyunan ang patuloy na pag-atake ng administrasyong Duterte sa kala­yaan ng mga mamamahayag na magbalita ng katotohanan.

The post Macalintal: Media dapat magkaisa appeared first on Abante News Online.

macalintal media dapat magkaisa - Macalintal: Media dapat magkaisa
bante Macalintal - Macalintal: Media dapat magkaisa

NANAWAGAN ang kandidato ng Otso Diretso na si Atty. Romulo ‘MacaRomy’ Macalintal sa mga mamamahayag na magkaisa para kondenahin at aksyunan ang patuloy na pag-atake ng administrasyong Duterte sa kala­yaan ng mga mamamahayag na magbalita ng katotohanan.

Tinuligsa ni MacaRomy ang tahasang pangha-harass ng administrasyon sa pinuno ng Rappler at mamamahayag na si Maria Ressa matapos itong arestuhing muli paglapag niya ng bansa kamakailan.

“Sa muling pag-aresto kay Maria Ressa, lalo’t higit nating kailangang paigtingin ang pagtatanggol sa kalayaan sa pamamahayag,” ani Maca­Romy sa isang post sa kanyang Twitter account.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na binasahan si Ressa ng arrest warrant pagdating niya sa airport para sa isa sa pitong kaso ng Rappler kaugnay sa diumano’y foreign ownership nito.

Kaya giit ng beteranong abogado, dapat daw ay magkaisa ang mga taga-media para gawan ng aksyon ang panggigipit ng administrasyon sa mga mamamahayag na nagbabalita ng totoo at kritikal na isyu ukol sa mga polisiya ng Pangulo.

Kasama din ni MacaRomy sa Otso Diretso sina Senator Bam Aquino at Magdalo Congressman Gary Alejano; ang mga nagbabalik na lingkod-­bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating congressman Erin Tañada; at ang mga bago ring sasabak sa politika: ang dating Solicitor General na si Florin Hilbay, beteranong human rights lawyer na si Chel Diokno, at dating ARMM assemblywoman na si Samira Gutoc. (Aries Cano)

The post Macalintal: Media dapat magkaisa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *