Macalintal ipaglalaban karapatan ni ‘Senior Citizen’ Duterte

ISA man sa mga tampulan ng pan­lalait ni Pangulong Rodrigo Duterte, handa pa rin umano ang beteranong abogado at Otso Diretso candidate na si Atty. Romy Macalintal na manindigan para sa karapatan ng Presidente bilang senior citizen.

The post Macalintal ipaglalaban karapatan ni ‘Senior Citizen’ Duterte appeared first on Abante News Online.

macalintal ipaglalaban karapatan ni senior citizen duterte - Macalintal ipaglalaban karapatan ni ‘Senior Citizen’ Duterte
macalintal - Macalintal ipaglalaban karapatan ni ‘Senior Citizen’ Duterte

ISA man sa mga tampulan ng pan­lalait ni Pangulong Rodrigo Duterte, handa pa rin umano ang beteranong abogado at Otso Diretso candidate na si Atty. Romy Macalintal na manindigan para sa karapatan ng Presidente bilang senior citizen.

Ito ang naging tugon ni MacaRomy sa gitna ng sunod-sunod na pang-aalipusta ng Pangulo sa kaniya at sa iba pang kasama sa Otso Diretso.
Pinabulaanan rin, sa pamamagitan ng biro, ni MacaRomy ang paulit-ulit na pagsasabi ni Duterte na wala naman daw siyang nagawa sa mahabang panahon ng paglilingkod.

Sa isang post sa kaniyang social media account, sabi na lang ni MacaRomy, “Mr. President, kapag hindi ka binigyan ng senior citizen discount, ipaglalaban kita.”

Bago pa man tumakbo si MacaRomy, matunog na ang kaniyang pa­ngalan bilang isa sa mga pinakamahuhusay na abogado na dalubhasa sa mga kasong kaugnay ng eleksyon. Bigatin din mga naging kliyente ni MacaRomy tulad ni Vice President Leni Robredo.

Ipinaglaban din niya ang karapatan ng mga senior citizen noong ipinanalo niya ang mga kasong isinampa niya laban sa mga establisimyento na tumatangging magbigay ng tamang diskwento para sa mga nakakatanda.

Si MacaRomy din ang nasa likod ng patakaran sa Comelec na nagbibigay ng pribelehiyo sa mga mamamahayag na bumoto nang mas maaga sa araw ng eleksyon. (Aries Cano)

The post Macalintal ipaglalaban karapatan ni ‘Senior Citizen’ Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *