Luna sinibak sa PACC, VP Robredo pinuri ni Duterte

Panukala sa extra power ni Duterte isinampa sa Senado

Sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commissioner Atty, Manuelito Luna ng Presidential Anti-Corruption Commision o PACC matapos hilingin sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang umano’y illegal na panghihingi ng donasyon ni Vice-President Leni Robredo.

luna sinibak sa pacc vp robredo pinuri ni duterte - Luna sinibak sa PACC, VP Robredo pinuri ni Duterte
rody duterte 1 - Luna sinibak sa PACC, VP Robredo pinuri ni Duterte

Sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commissioner Atty, Manuelito Luna ng Presidential Anti-Corruption Commision o PACC matapos hilingin sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang umano’y illegal na panghihingi ng donasyon ni Vice-President Leni Robredo.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Biyernes ng gabi, tinawag ng Pangulo na “gago” si Luna dahil wala namang masama na tumulong ang Vice-President sa mga panahong ito.

“Mayroon talagang taong gago. Si Leni was calling the private sector na magtulong . Naghingi siya ng tulong. Tama yan, maghingi ka ng tulong sa kapwa mo tao, ” anang Pangulo.

Tanggal na aniya sa gobyerno si Luna dahil pati ang mga tumutulong sa frontliners at sa mga tao ay gustong paimbestigahan sa NBI.

“Pero ito naman, may tao ako na abugado ko sa PACC, Commissioner Manuelito Luna, gusto niya na ipaimbestiga si Leni kung bakit nag-solicit. Anak ng …kaya nga noong narinig ko sabi ko ‘fire him.’ As of this moment he’s no longer connected with government,” dagdag ng Pangulo.

Aminado si Pangulong Duterte na may mga panahong nakakapagsalita ito laban kay VP Leni, pero sa mga panahong ito na gustong tumulong ng pangalawang Pangulo ay hindi nito makita ang lohika kung bakit gusto itong paimbestigahan.

Nagbanta rin ang Pangulo na sisibakin ang mga tauhan at opisyal ng NBI na mag-iimbestiga kung sakali at tinawag ang mga ito na ignorante.

“Ako wala akong ano kay Leni. Ako when panahon na i-criticize ko si Leni, sometimes the language that I used is very…pero itong panahon na wala naman kasalanan yung Vice-President na nag-ano nga na magtulong, bakit iimbestiga mo?,” wika pa ng Pangulo.(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *