Lumad na med graduate ‘EB’ iskolar

Maipagpapatuloy ng kauna-unahang Tigwahanon-Manobo na nagtapos ng doctor of medicine sa De La Salle Medical and Health Science Institute ang pagkuha nito ng board exam makaraang makatanggap ng tulong mula sa programang Eat Bulaga.

lumad na med graduate eb iskolar - Lumad na med graduate ‘EB’ iskolar
lumad - Lumad na med graduate ‘EB’ iskolar

Maipagpapatuloy ng kauna-unahang Tigwahanon-Manobo na nagtapos ng doctor of medicine sa De La Salle Medical and Health Science Institute ang pagkuha nito ng board exam makaraang makatanggap ng tulong mula sa programang Eat Bulaga.

Napili si Joeffrey Mambucon bilang bagong iskolar ng programa. Una na siyang nag-viral sa social media dahil sa pagbibigay inspirasyon makaraang ikwento ang kanyang mga pinagdaanan bago makapagtapos.

Humanga ang mga netizen sa kwento ni Mambucon na graduate din ng nursing. Aniya, motibasyon niya ang matinding pangangailanga medical ng mga kapwa niya katutubo. Kahit na nakatanggap umano ng pangungutya ay nagpatuloy si Mambucon para sa pangarap na maging lisensyadong doktor para makatulong sa kanyang komunidad.

Ang Eat Bulaga na ang sasagot sa gastusin ni Mambucon para sa licensure exam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *