LRT, MRT may libreng sakay sa Independence Day

Libre ang sakay sa mga tren ng Light Rail Transit Line 1 at Line 2 (LRT1-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Hunyo 12 bilang paggunita sa 121st anniversary ng deklarasyon ng Philippine Independence Day.

The post LRT, MRT may libreng sakay sa Independence Day appeared first on Abante News Online.

lrt mrt may libreng sakay sa independence day - LRT, MRT may libreng sakay sa Independence Day
ABANTE lRT MRT - LRT, MRT may libreng sakay sa Independence Day

Libre ang sakay sa mga tren ng Light Rail Transit Line 1 at Line 2 (LRT1-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Hunyo 12 bilang paggunita sa 121st anniversary ng deklarasyon ng Philippine Independence Day.

Batay sa advisory ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng LRT-1 mula alas-siyete nang umaga hanggang alas-9:00 nang umaga at bandang alas-singko sa hapon hanggang alas-siyete nang gabi para sa mga pasahero mula Roosevelt Station hanggang Baclaran Station.

Habang ang LRT-2 naman ay mula alas-siyete nang umaga hanggang alas-9:00 nang umaga at bandang alas-singko sa hapon hanggang alas-siyete nang gabi sa mga pasahero ng Recto Station hanggang Santolan Station.

Gayundin sa MRT-3 na libre ang sakay ng mga pasahero ng North Ave­nue sa Quezon City hanggang Taft Ave­nue sa Pasay City bandang alas-siyete nang umaga hanggang alas-9:00 nang umaga at bandang alas-singko sa hapon hanggang alas-siyete nang gabi. (Vick Aquino)

The post LRT, MRT may libreng sakay sa Independence Day appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *