LRT-2 nagkaaberya

Itinigil ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang biyahe kahapon ng umaga nang makitaan ng problema ang riles ng tren sa Quezon City.

The post LRT-2 nagkaaberya appeared first on Abante News Online.

lrt 2 nagkaaberya - LRT-2 nagkaaberya
LRT 2 - LRT-2 nagkaaberya

Itinigil ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang biyahe kahapon ng umaga nang makitaan ng problema ang riles ng tren sa Quezon City.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, dakong alas-9:54 ng umaga nang magdeklara ng ‘code red’ ang LRT-2, dahil sa problema sa riles na malapit sa Cubao Station.

Aniya sa ilalim ng ‘code red’ ay pansamantalang ititigil ang operasyon ng mass rail system.

Kinakailangan ring mag-unload o magpababa ang mga tren ng kanilang mga pasahero sa istasyong pinakamalapit sa kina­roroonan ng mga ito at hindi na rin muna magpapapasok ng mga pasahero sa mga istas­yon ng tren dahil wala silang biyahe.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Cabrera na nag-deploy na sila ng kanilang engineering­ staff upang magsagawa ng assessment sa sitwasyon at tukuyin kung ano ang susunod nilang maging aksiyon.

Nagbalik ang ope­rasyon ng LRT-2 bandang alas-11:28 nang umaga
Humingi rin naman si Cabrera ng paumanhin sa kanilang mga pasahero na naapektuhan ng naturang aber­ya. (Armida Rico/Vickay Aquino)

The post LRT-2 nagkaaberya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *