LRT-2, MRT-3 tandem sa perwisyo

SABAY na natigil ang mga biyahe ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos na dumanas ng aberya nitong Miyerkoles nang umaga (Oktubre 2).

lrt 2 mrt 3 tandem sa perwisyo - LRT-2, MRT-3 tandem sa perwisyo
ABANTE lRT MRT - LRT-2, MRT-3 tandem sa perwisyo

SABAY na natigil ang mga biyahe ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos na dumanas ng aberya nitong Miyerkoles nang umaga (Oktubre 2).

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), alas-9:49 ng umaga nang pansa­mantalang itigil ang operasyon ng LRT-2.

Technical problem ang tinukoy ng LRTA na dahilan nang pagsuspinde ng LRT-2 ope­rations, na kaagad namang tinugunan at naisaayos.

Makalipas ang kalahating oras bandang alas-10:19 nang umaga ay naibalik sa ­normal ang biyahe ng LRT-2.

Samantala, alas-10:17 ng umaga naman nang mag-abiso ang Department of Transportation (DOTr) na nagkaaberya rin ang biyahe ng MRT-3.

May iniulat umanong problema sa power supply ng train system mula sa Ayala Station hanggang Taft Avenue Station, na kaagad namang ipinaabot sa kanilang power­ ­personnel upang maisaayos.

Alas-10:34 ng umaga ay kinailangang i-evacuate ang mga pasahero sa interstation ng Magallanes at Ayala (NB).

Pagsapit ng alas-10:35 nang umaga ay naibalik na ang suplay ng kuryente at gayundin ang normal na operasyon ng kanilang mga tren.

Kapwa naman humingi ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-2 at ng MRT-3 sa kanilang mga mananakay at anila ay kanilang paiimbestigahan ang aberya upang matukoy ang dahilan ng mga ito. (Armida Rico/Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *