LRT-2 maagang bibiyahe simula sa Lunes

LRT-2 maagang bibiyahe simula sa Lunes

SIMULA sa Lunes, maaga nang bibiyahe ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

lrt 2 maagang bibiyahe simula sa lunes - LRT-2 maagang bibiyahe simula sa Lunes
lrt 2 - LRT-2 maagang bibiyahe simula sa Lunes

SIMULA sa Lunes, maaga nang bibiyahe ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, spokesman ng Light Rail Transit Authority, imbes na alas-sais nang umaga ay alas-singko na ang unang biyahe ng LRT-2 mula Cubao hanggang Recto.

Ang huling biyahe naman mula sa Cubao ay itinakda ng alas-8:30 nang gabi at sa Recto ay alas-nuwebe nang gabi.

Sinabi rin ni Cabrera na maaari rin mapaaga ang pagbabalik ng full operation ng LRT.

Aniya, posibleng maibalik nila sa normal ang biyahe ng kanilang mga tren sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan imbes na 9 na buwan.

“Mas maikli ito kumpara sa naunang pagtaya na posibleng abutin ng siyam na buwan ang gagawing pagkukumpuni sa nasirang rectifier ng LRT-2 sa Katipunan sa lungsod ng Quezon,” ani ni Cabrera.

Sinabi ni Cabrera, pinag-aaralan na kasi umano nila ngayon ang posibilidad na palitan na lamang ang napinsalang bahagi, sa halip na palitan ang buong rectifier.

Gayunman, depende pa rin aniya ito sa magiging resulta ng isinasagawa nilang assessment hinggil sa naganap na pinsala ng kanilang pasilidad.

Magugunitang may limang araw na natigil ang operasyon ng LRT-2 matapos na masunog ang kanilang rectifier substation, na nasa pagitan ng Anonas at Katipunan Station, na nagresulta sa kakulangan ng suplay ng kuryente.
Martes nang makapagpatupad ng partial operation ang LRT-2 mula Cubao Station hanggang Recto Station lamang habang nananatili namang wala pang biyahe mula Anonas hanggang Santolan Station.

Sinabi pa ni Cabrera, ang LRT-2 na nagsisilbi sa may 220,000 commuter araw-araw ang siyang nagdudugtong sa Recto, Maynila at Santolan, Pasig City. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *