LRT-1 15 kph ang takbo dahil sa aberya

Muling dumanas ng aberya ang isa sa mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kahapon ng umaga.

lrt 1 15 kph ang takbo dahil sa aberya - LRT-1 15 kph ang takbo dahil sa aberya
lrt - LRT-1 15 kph ang takbo dahil sa aberya

Muling dumanas ng aberya ang isa sa mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kahapon ng umaga.

Ayon kay Jacqueline Gorospe, corporate communications head ng Light Rail Manila Corporation (LRMC). Ayon sa opisyal alas-nuwebe ng umaga ng maganap ang aberya sa southbound ng EDSA Station sa Pasay­ City. Agad naman umanong ipinaayos sa mga technician ang problema sa light rail vehicle (LRV) at pagsapit ng alas-9:11 ng umaga ay balik na sa normal ang operas­yon ng mga tren.

“As of 9:11AM, we are green and go on all 20 stations of LRT-1. Ingat po sa biyahe!” anunsiyo ng LRT-1.

Dahil sa aberya, nagpatupad ng 15kph speed restriction mula Baclaran hanggang Roosevelt ang LRT-1.

Nagpabiyahe rin ng skip trains ang LRT-1, para maserbisyuhan ang mga naabalang pasahero.

Kaagad naman humi­ngi ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-1 sa panibagong aberya, lalo’t kamakalawa ay dalawa ang nai-record na problema sa mga tren na kaagad rin namang naisaayos. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *