LPA mino-monitor ng Pagasa

BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (Pagasa) ang low pressure area (LPA) sa labas ng bansa na posibleng lumakas at maging tropical depression.

The post LPA mino-monitor ng Pagasa appeared first on Abante News Online.

lpa mino monitor ng pagasa - LPA mino-monitor ng Pagasa
ABANTE LP - LPA mino-monitor ng Pagasa

BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (Pagasa) ang low pressure area (LPA) sa labas ng bansa na posibleng lumakas at maging tropical depression.

Ayon sa Pagasa, tinatayang nasa layong 1,385 km east-southeast ng Mindanao kahapon nang umaga ang LPA at posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas, Sabado.

Sakali umano na mabuo ito sa tropical cyclone sa loob ng PAR tatawagin itong ‘Dodong’ na ikaapat na bagyo ngayong taon.

Dagdag ng weather bureau, hindi pa umano makaaapekto sa bansa ang LPA. Patuloy pa rin umanong mararamdaman ang mainit at maalinsangang panahon sa bansa.

Gayunman, nagbabala ang Pagasa na ang mga pag-ulan na may kasamang pagkidlat ay posibleng magdulot ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa lalo na sa mga residente na nasa mababang lugar o mga nasa malapit sa bundok.

The post LPA mino-monitor ng Pagasa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *