Lorenzana soli pondo sa kakuparan

Pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mabagal na pagpapatupad ng modernization program ng military kaya’t hinikayat nito si Defense Secretary Delfin Lorenzana na madaliin ito.

The post Lorenzana soli pondo sa kakuparan first appeared on Abante.

lorenzana soli pondo sa kakuparan - Lorenzana soli pondo sa kakuparan
abante delfin - Lorenzana soli pondo sa kakuparan

Pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mabagal na pagpapatupad ng modernization program ng military kaya’t hinikayat nito si Defense Secretary Delfin Lorenzana na madaliin ito.

“Our absorptive capacity can stand improvement. We keep on saying that our AFP lags behind particularly in terms of equipment and assets compared to other countries. But maybe we should look at our abilities to disburse funds under this program,” pahayag ni Drilon sa pagdinig sa panukalang 2021 budget ng Department of National Defense.

Ginawa ni Drilon ang panawagan matapos madiskubreng P16 bilyon lang sa P25 bilyon ng 2019 General Appropriations Act ang nagamit ng pondo para sa naturang programa.

Nabigo aniya ang AFP na ipatupad ang P9.4 bilyong halaga ng mga proyekto. Ang nasabing pondo ay ibinalik sa treasury alinsunod sa Bayanihan 1.

Isinoli din ng AFP ang P8.02 bilyon mula sa 2021 GAA para sa COVID-19 response.

Sa kabuuan, hindi naipatupad ng AFP ang P17.4 bilyon ng mga proyekto dahil na-realign ito sa Covid-19 response.
Para sa 2021, P38 bilyon ang inilaang alokasyon sa modernization program ng militar.(Dindo Matining)

The post Lorenzana soli pondo sa kakuparan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *