Loren Legarda tindera sa tiangge bago sumikat

Sari-saring trabaho ang pinasok ni Deputy Speaker Loren Legarda matapos maka-graduate ng broadcast journalism sa University of the Philippines hanggang sa magtagumpay.

The post Loren Legarda tindera sa tiangge bago sumikat first appeared on Abante.

loren legarda tindera sa tiangge bago sumikat - Loren Legarda tindera sa tiangge bago sumikat
tonite Loren Legarda - Loren Legarda tindera sa tiangge bago sumikat

Sari-saring trabaho ang pinasok ni Deputy Speaker Loren Legarda matapos maka-graduate ng broadcast journalism sa University of the Philippines hanggang sa magtagumpay.

Sa panayam sa Politiko Live show na “Balitaan at Kumustahan” ni Jon Ibañez nitong Lunes, sinabi ni Legarda na kabilang sa naging trabaho niya noon ay tindera ng mga damit.

Una siyang nag-apply sa Channel 9 at sa pag-aakalang hindi siya nakapasa dahil matagal siyang hindi tinawagan, naghanap siya ng mga day job.

Nagbenta rin siya ng mga overrun na damit sa Malabon, nagtinda sa tiangge at nagkaroon ng betamax store.

“Nagtrabaho ako ng day job, marami akong day job. Isang ad agency, nag-account executive din ako. Nagbenta pa ako ng mga damit, ng mga overrun na mga damit sa Malabon, nagtitinda ako sa tiangge at nagkaroon pa ako ng parang betamax store ng mga pelikula rental sa bahay ko sa Malabon tapos nag-apply ako sa ad agency, ako’y naging account executive, all at 21 years old,” pahayag ni Legarda.

Ayon kay Legarda, ang talagang pangarap niya ay maging isang journalist, tulad ng kanyang idolo na kanyang lolo.

“I really wanted to be a journalist and thank God, natupad ang pangarap,” sabi ni Legarda matapos itong tawaga ng Channel 9 at kinuhang newscaster/reporter. (IS/Kiko Cueto)

The post Loren Legarda tindera sa tiangge bago sumikat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *