Lord, nadenggoy tayo ni Alan!

Isiniwalat ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na tunay ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyayari sa Kamara partikular ang bangayan sa speakership na nakaapekto sa pagpapatibay ng 2021 national budget.

The post Lord, nadenggoy tayo ni Alan! first appeared on Abante.

lord nadenggoy tayo ni alan - Lord, nadenggoy tayo ni Alan!
abante velasco 1 - Lord, nadenggoy tayo ni Alan!

Isiniwalat ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na tunay ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyayari sa Kamara partikular ang bangayan sa speakership na nakaapekto sa pagpapatibay ng 2021 national budget.

Ipinahayag ito ni Velasco matapos na magbabala ang Pangulo sa kanyang ulat sa bayan nitong Huwebes ng gabi kapag hindi naipasa ang budget na kinakailangan ng gobyerno para matugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Sinuspinde kasi ng Kamara ang sesyon nito sa mosyon na rin ni Speaker Alan Peter Cayetano kaya natigil ang deliberasyon sa panukalang budget.

Ayon kay Velasco, nang magkita umano sila ni Pangulong Duterte noong Lunes, Oktubre 5, ay nakita niya ang galit nito.

“I just wanna say because kitang-kita ko `yong galit ng Pangulo. Sabi sa akin ni Pangulo, `Lord, hindi lang ikaw ang napahiya dito, tayong dalawa. Actually, the President used the word `Lord, nadenggoy tayong dalawa’,” ani Velasco.

Bunga umano ito ng pagtayo sa plenaryo ni Cayetano upang ialok ang kanyang pagbibitiw gayong kanila nang napagkasunduan sa pulong kay Pangulong Duterte sa Malacanang na tutuparin ang term-sharing agreement sa Oktubre 14.

Binasura ng mga mayoryang kongresista na kaalyado ni Cayetano ang alok na pagbibitiw nito.

Ikinadismaya ni Velasco ang mga nangyayari sa Kamara dahil inuna pa aniya ni Cayetano ang personal na interes nito kesa kapakanan ng bayan.

“Ang kinakalungkot ko lang sa mga panahon ngayon, I don’t know what Speaker Cayetano is fighting for. Ang tingin ko talaga diyan, he’s fighting for his own personal interest and ambitions,” ayon kay Velasco.

“Speaker Cayetano is doing everything just to be able to achieve his ambition, his personal ambition and interest na maging presidente sa 2022,” dagdag pa nito.

Ginulo umano ni Cayetano ang buong proseso ng pagpapasa ng budget Dahil mas inuna nito ang kanyang political survival.(Eralyn Prado)

The post Lord, nadenggoy tayo ni Alan! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *