Lolo vendor pinaulanan ng biyaya

Nagtulong-tulong ang mga netizen upang mabigyang ayuda ang nag-viral na lolo vendor ng tinapay.

The post Lolo vendor pinaulanan ng biyaya first appeared on Abante.

lolo vendor pinaulanan ng biyaya - Lolo vendor pinaulanan ng biyaya
abante tatay eduardo - Lolo vendor pinaulanan ng biyaya

Nagtulong-tulong ang mga netizen upang mabigyang ayuda ang nag-viral na lolo vendor ng tinapay.

Sa Facebook post ni Desiree Dy Cunanan, nakilala si Tatay Eduardo na aniya’y matapos magtinda ng tinapay sa footbridge sa North Edsa, ay namamalimos pa siya.

“Hindi po siya ganyan dati, pagkatapos niyang magtinda, umuuwi na siya. Nagsisikap po siya magtinda araw-araw para pangtustos sa pangaraw-araw nila ng asawa niya,” aniya.

Kwento pa ni Cunanan, nagdoble kayod si Tatay Eduardo matapos umanong maoperahan sa bato at matulungan ang pamilya. Kinailangan din niya ng pang-maintenance kaya naman mas nangailangan itong kumita ng pera.

Tumulong si Cunanan upang makakalap ng tulong mula sa iba pang mga netizen. Sa kanyang update, ipinaalam naman niya na bumuhos ang tulong pinansyal para kay Tatay Eduardo

“Sobrang saya at sobrang nagpapasalamat po si tatay sa inyong lahat. Maging ako po ay nagpapasalamat sa pagtitiwala niyo po sakin na makakaabot kay tatay ang tulong niyo. Hindi niyo man po ako kilala, malaking tulong po yun para kaya tatay,” sabi ni Cunanan.

The post Lolo vendor pinaulanan ng biyaya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *