Lolo natumbok ng senglot na pulis

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Philippine General Hospital(PGH) ang isang 69-anyos na lalaki nang mabangga ng motorsiklong minamaneho ng isang sinasabing lasing na pulis-Maynila kamakalawa sa Sta. Ana, Maynila.

lolo natumbok ng senglot na pulis - Lolo natumbok ng senglot na pulis
accident 12 - Lolo natumbok ng senglot na pulis

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Philippine General Hospital(PGH) ang isang 69-anyos na lalaki nang mabangga ng motorsiklong minamaneho ng isang sinasabing lasing na pulis-Maynila kamakalawa sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ni PMSG Rommel del Rosario ng Manila Traffic Investigation Section ang biktimang si Gregorio Enriquez Jr., ng 2152 San Andres Ext., Sta. Ana.

Ginagamot naman sa Sta. Ana Hospital ang suspek na si P/SSg. Dennis Ryan Flores, 41, nakatalaga sa Baseco Police Community Precint at taga-1937-B Torres St., Sta. Ana, Maynila.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-2:30 nang hapon sa Augusto Francisco St., malapit sa Mercurio St., sa Sta. Ana.

Papatawid umano ang biktima galing sa westbound lane patu­ngong eastbound lane nang matumbok ng motorsiklo ni Flores.

Nabatid na tumi­lapon pa ng ilang metro ang biktima at napuruhan sa ulo.
Sinampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide si Flores. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *