Lolo nanaksak ng kapitbahay, kalaboso

Sugatan ang isang babae matapos saksakin ng kanyang kapitbahay dahil lang umano sa tagas ng tubig, Huwebes ng tanghali sa Taguig City.

lolo nanaksak ng kapitbahay kalaboso - Lolo nanaksak ng kapitbahay, kalaboso
saksak 3 - Lolo nanaksak ng kapitbahay, kalaboso

Sugatan ang isang babae matapos saksakin ng kanyang kapitbahay dahil lang umano sa tagas ng tubig, Huwebes ng tanghali sa Taguig City.

Sanhi ng tatlong saksak sa katawan mula sa kutsilyo, na-confine sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Dolores Barcia, 53, isang housekeeper, nakatira sa Barangay Fort Bonifacio ng naturang lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Miguel Olivas, 69, nakatira rin sa nabanggit na lugar, matapos ang ginawang pananaksak sa biktima.

Base sa isinumiteng report ni Police Col. Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police, alas-12:45 ng tanghali nang maganap ang insidente sa inuupahang bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek hinggil sa tumatagas na tubig mula sa kusina ng bahay na inuupahan ni Barcia.

Sandaling umuwi ng kanyang bahay ang suspek pero pagbalik nito ay armado na ng kutsilyo.

Walang sabi-sabing inundayan niya ng ilang beses na saksak sa katawan ang babae at nang duguang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang salarin.

Mabilis namang isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nasabing pagamutan. (armida d. rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *