Lolo nahulog sa ilog, tigok

NALAGLAG sa kamatayan ang isang 69-anyos na lolo habang naglilinis sa likurang ba-hagi ng bahay sa Dasmariñas City, Cavite.

The post Lolo nahulog sa ilog, tigok appeared first on Abante News Online.

lolo nahulog sa ilog tigok - Lolo nahulog sa ilog, tigok
dead 5 - Lolo nahulog sa ilog, tigok

By Gene Adsuara

NALAGLAG sa kamatayan ang isang 69-anyos na lolo habang naglilinis sa likurang ba-hagi ng bahay sa Dasmariñas City, Cavite.

Sinubukan pang isalba ng mga doktor sa Pagamutan ng Dasmarinas City ngunit patay na nang dalhin ang biktimang si Jaime Pradas, ng Brgy. San Luis 2, Dasmariñas City.

Sa ulat ni P/MSgt. Rolando Paulo Figueroa, dakong alas-nuebe, Lunes nang umaga nang maganap ang insidente sa bahay ng kapitbahay nitong si Joel dela Cruz na tabi lamang ng ilog.

Ayon kay Figueroa, dahil maputik at madulas ang lupa kung saan naglilinis si Pradas, nahulog umano ito at bumulusok sa ilog.

“Babayaran siya ng kanilang kapitbahay na maglinis sa likod ng kanilang bahay kaya lang maputik dahil nasa gilid lamang ng ilog kaya ito nahulog sa ilog na may lalim na 10 feet,” ayon kay Figueroa.

Nahirapan namang iahon ang katawan ng biktima ng mga rumespondeng miyembro ng Dasmariñas City Rescue Team dahil matarik at pababa ang ilog bago isinugod sa opital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

The post Lolo nahulog sa ilog, tigok appeared first on Abante News Online.

1 thought on “Lolo nahulog sa ilog, tigok

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *