Lola kinatay ng apo

DEDBOL ang isang 80-anyos na lola matapos pagsasaksakin ng 22 beses ng menor de edad na apo sa Barangay Anonang Menor, Caoa­yan, Ilocos Sur noong Lunes nang madaling-araw.

The post Lola kinatay ng apo appeared first on Abante News Online.

lola kinatay ng apo - Lola kinatay ng apo
knife - Lola kinatay ng apo

DEDBOL ang isang 80-anyos na lola matapos pagsasaksakin ng 22 beses ng menor de edad na apo sa Barangay Anonang Menor, Caoa­yan, Ilocos Sur noong Lunes nang madaling-araw.

Kinilala ng Caoayan Municipal Police Station (CPS) ang biktima na si Madalena Cuyo ng na­sabing bayan.
Samantala itinago naman sa pangalang Pancho ang suspek ng nasabi ring bayan.

Sa report ng CMPS, bago ang pananaksak ay lasing na umuwi si Pancho sa kanilang bahay kung saan matutulog na sana ito nang mari­nig niya na may bumato sa kanilang bahay.

Dito ay lumabas ang suspek at nakita si Magdalena na may hawak na tubo at nagsagutan ang maglola.

Lumabas ng bahay ang suspek na siya namang pagtakbo ng biktima ngunit hinabol siya ni Pancho at nang abutan ay pinagsasaksak niya ito ng 22 na beses.

Agad na isinugod sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang (ISPHGS) ngunit dead-on-arrival ito.

The post Lola kinatay ng apo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *