Lola ikukulong sa pagpapakain sa pusa

ISANG 79-anyos na babae sa Ohio ang makukulong ng sampung araw ngayong Agosto dahil sa pagpapa­kain ng pusang gala.

lola ikukulong sa pagpapakain sa pusa - Lola ikukulong sa pagpapakain sa pusa
abante pusa - Lola ikukulong sa pagpapakain sa pusa

ISANG 79-anyos na babae sa Ohio ang makukulong ng sampung araw ngayong Agosto dahil sa pagpapa­kain ng pusang gala.

Ang parusa ay pinataw ng isang opisyal sa bayan ng Garfield Heights.
Nabatid na si Segula, isang cat lover, ay tatlong beses nang nahuling nagpapakain ng pusang gala kaya’t sa ikaapat na paglabag nito sa Caring Act ay pinatawan na ito ng parusang pagkakulong.

Sinimulan umano ni Segula ang pagpapakain sa mga pusa noong 2017 nang lumipat ng tirahan ang kanyang kapitbahay at naiwan ang mga pusa.

Dahil sa ginagawang pagpapaka­in ng lola sa pusa ng dati niyang kapitbahay, isa sa kanyang kapitbahay ang nagsuplong sa animal warden.

Unang binigay ang citation noong 2017 hanggang sa umabot ito sa tatlo. Sa ika-apat na citation, pinakulong na siya ng local magistrate simula sa Agosto 11.

Umangal naman ang anak sa jail sentence sa kanyang ina sa pagsasabing ‘overkill’ ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *