Locsin nag-unli sorry sa pambabastos kay VP Leni

WALANG patid ang paghingi ng paumanhin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr. dahil sa ginawang pambabastos nito kay Vice-President Leni Robredo.

The post Locsin nag-unli sorry sa pambabastos kay VP Leni appeared first on Abante News Online.

locsin nag unli sorry sa pambabastos kay vp leni - Locsin nag-unli sorry sa pambabastos kay VP Leni
teddy 2 - Locsin nag-unli sorry sa pambabastos kay VP Leni

WALANG patid ang paghingi ng paumanhin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr. dahil sa ginawang pambabastos nito kay Vice-President Leni Robredo.

Lunes pa nagsimulang mag-sorry si Locsin kay Robredo dahil sa tweet nitong ‘boba’ ang Bise-Pre­sidente nang tutulan nito ang pagkansela sa lahat ng courtesy diplomatic passport ng mga dating kalihim ng Department of Foreign Affairs at mga ex-ambassador.

Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Locsin, patuloy itong binabanatan sa social media.

Nitong Martes, binanggit pa ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na maaaring kasuhan din ang DFA chief sa gina­wang pambabastos kay Robredo.

Labag daw ito sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Emplo­yees.

“His insults and impertinence are very unprofessional and notwithstan­ding his apology, he should be held to account. This should not end in apology, this should serve as a lesson to him and other officials who show disrespect for their fellow men and women.” diin ni Pangilinan.

May halong pitik naman kay Pangilinan ang tweet ni Locsin na humihingi na siya ng dispensa sa sinabi laban kay Robredo.

“Okay. Not just noted but I apologize again. Happy?” tweet ni Locsin kay Pangilinan na binansagang ‘Mr. Noted’ noong 2004 canvassing ng presidential elections.

Samantala, wala namang plano ang Malacañang na pagsabihan si Locsin sa kanyang matalas na komento laban kay Robredo.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na humingi na ng dispensa si Locsin at inamin ang pagkakamali kaya hindi na aniya dapat na palakihin pa ito. (Aileen Taliping)

The post Locsin nag-unli sorry sa pambabastos kay VP Leni appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *