Locsin kinampihan sa pagsikreto ng protesta

NANINIWALA si Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra na may sapat na rason si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa hindi pagsasapubliko nito sa detalye ng diplomatic protest na inihain laban sa China.

locsin kinampihan sa pagsikreto ng protesta - Locsin kinampihan sa pagsikreto ng protesta
locsin teddy - Locsin kinampihan sa pagsikreto ng protesta

NANINIWALA si Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra na may sapat na rason si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa hindi pagsasapubliko nito sa detalye ng diplomatic protest na inihain laban sa China.

Kamakailan lamang ay naghain ng diplomatic protest si Locsin laban sa China kasunod ng pag-ulit-ulit na pag­lalayag ng kanilang mga barkong pandigma sa mga territorial water ng bansa ng walang anumang pahintulot mula sa gobyerno.

Subalit, tumanggi si Locsin na isapubliko ang detalye ng isinampang protesta.

Bagaman kibit-balikat si Locsin sa ninanais ng publiko na masilip ang kabuuang detalye ng diplomatic protest, siniguro ni Guevarra na may magagandang rason ang kalihim sa hindi pagsasapubliko sa isyu.

“I’m sure sec locsin has good reasons for not doing so,” ayon kay Guevarra. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *