Locsin hinihilot Pfizer sa sablay ni Duque

Balik negosasyon sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Philippine Ambassador to the USA Jose Manuel `Babe’ Romualdez para makakuha ng supply ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer.

The post Locsin hinihilot Pfizer sa sablay ni Duque first appeared on Abante.

locsin hinihilot pfizer sa sablay ni duque - Locsin hinihilot Pfizer sa sablay ni Duque
Locsin x Duque - Locsin hinihilot Pfizer sa sablay ni Duque

Balik negosasyon sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Philippine Ambassador to the USA Jose Manuel `Babe’ Romualdez para makakuha ng supply ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer.

Ito’y matapos mabunyag na sumablay ang isinagawang negosasyon para makakuha ang Pilipinas ng 10 milyong doses ng COVID bakuna mula sa naturang American multinational company na sinisisi kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Inihayag ni Locsin na balik negosasyon uli sila ni Romualdez sa Pfizer para makakuha ng supply ng bakuna.

Subalit sa pagkakataong ito ay mas maliit na supply na lamang umano ang hinahabol ng gobyerno mula sa bakunang gawa ng Pfizer.

Sabi ni Romualdez, maaaring hanggang limang milyong doses na lamang ng bakuna ang mahirit nila na kalahati lamang sa unang plano na bilhin sa Pfizer.

Ibinunyag ni Locsin na nakakuha n asana sila ng 10 milyong doses ng bakuna ng Pfizer at inaasahang darating na ito sa Pilipinas sa unang buwan ng 2021 subalit nabulilyaso dahil sumablay ang isang tao na hindi nito pinangalanan.

Kalaunan ay ibinunyag ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na si Duque ang dahilan kung bakit nabulilyaso ang negosasyon sa Pfizer para sa COVID bakuna nito.

Mariin naman itong itinanggi ni Duque at maging ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Samantala, sa hiwalay na panayam sa telebisyon, sinabi ni Senador Grace Poe na maaaring maharap sa kasong kriminal ang DOH dahil sa sumablay na Pfizer deal.

The post Locsin hinihilot Pfizer sa sablay ni Duque first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *