Lion Air plane crash inimbestigahan ng CAAP

Inumpisahan na kahapon ang pag-imbestiga ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagbagsak ng isang Beechcraft King Air type (BE350) na eroplanong pagmamay-ari ng Lion Air na ikinasawi ng siyam na pasahero na lulan nito.

lion air plane crash inimbestigahan ng caap - Lion Air plane crash inimbestigahan ng CAAP
ABANTE Lion Air - Lion Air plane crash inimbestigahan ng CAAP

Inumpisahan na kahapon ang pag-imbestiga ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagbagsak ng isang Beechcraft King Air type (BE350) na eroplanong pagmamay-ari ng Lion Air na ikinasawi ng siyam na pasahero na lulan nito.

Base inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng AAIIB, ang Be350 aircraft na may registry No. PRP-C2296 na bumagsak sa Pansol, Laguna nitong Linggo nang hapon ay may lulang siyam na pasahero, pero walo lamang ang naka-lista sa flight plan/manifest.

Ito ay kinabibilangan nina Capt. Jesus Hernandez, ,piloto; First Officer Lino A. Cruz,co-Pilot; Dr. Garret Garcia; Kirk Elon Badilla, nurse; Yamato Togawa, nurse; Ryx Gil Laput; Raymund Bulacja, flight mechanic; at ang pasyenteng si Tom Carr.

Ang pangsiyam na pasahero na hindi nakalista sa flight plan/manifest ay si Erma Carr, ang Pinay na asawa ng pasyenteng New Zealander.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng CAAP ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Bilang pagsunod sa protocol, pansamantalang pinigil muna ng CAAP ang paglalabas ng inisyal na impormasyon sa isinasagawang imbestigasyon habang ginagawa pa ito ng AAIIB. (Otto Osorio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *