Lindol sa Friday the 13th

BINALOT ng takot ang Friday the 13th nang yanigin ng magkasunod na lindol kung saan una ang magnitude 5.5 ang lalawigan ng Quezon, may ka­lakasan ang pagyanig kaya naramdaman din ito sa maging sa Quezon City, Makati, Tagaytay at ilang karatig probinsya sa Luzon.

lindol sa friday the 13th - Lindol sa Friday the 13th
lindol 18 - Lindol sa Friday the 13th

BINALOT ng takot ang Friday the 13th nang yanigin ng magkasunod na lindol kung saan una ang magnitude 5.5 ang lalawigan ng Quezon, may ka­lakasan ang pagyanig kaya naramdaman din ito sa maging sa Quezon City, Makati, Tagaytay at ilang karatig probinsya sa Luzon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-4:28 nang hapon nang maramdaman ang lindol na ang sentro ay sa bayan ng Burdeos, Quezon.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 10 kilometers, ayon kay Phivolcs Specialist Ismael Ngarag, asahan ang aftershocks at pinsala sa naganap na lindol.

Sa inisyal na ulat ng Phivolcs naramdaman ang Intensity 4 sa Jose Panganiban, Camarines Norte; at Quezon City.

Intensity 3 naman sa Guinayangan, Quezon.

Matapos maramdaman ang lindol ay agad na inihinto ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Sinabi ni MRT Director Mike Capati Pinatigil na agad nilang ininspeksyon ang pasilidad kung mayroong naging pinsala.

Habang sinusulat ang balitang ito, ay tigil ope­rasyon pa rin ang LRT 2, bagama’t nagbalik-ope­rasyon na ang MRT-3 ay itinigil uli dahil sa aftershock.

Sa pinakahuling report, naramdaman ang Intensity 5-Polillo, Quezon; Intensity 4-Quezon City, Polilio Quezon at Intensity 2-Guinayangan, Quezon; Intensity 3-Jose Panganiban, Camarines Norte, Quezon City, Marikina City; Intensity 2-Alabat, Guinayangan at Mauban; Quezon; Las Piñas City; Malolos City; San Ildefonso, Bulacan; Pasig City.

Naramdaman din ang Intenstity 1-Bacoor City; Baler, Aurora; San Juan City; Guagua, Pampanga

Isang aftershock na may lakas na magnitude 2.4 ang naitala sa bayan ng Burdeos, Quezon alas-5:02 nang hapon, may lalim ito na 51km.

Ayon sa Phivolcs asahan pa ang aftershocks sa mga susunod na oras.

Marami ang binalot ng takot dahil sumabay ang lindol sa mismong Friday the 13th na sinasabing nagdadala ng malas o bad luck, bagama’t walang matibay na ebidensya sa teoryang ito.

(Tina Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *