Lindol nadama sa Metro Manila

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Occidental Mindoro kung saan umabot ang pag-uga sa ilang bahagi ng Metro Manila, Lunes ng madaling-araw

The post Lindol nadama sa Metro Manila first appeared on Abante.

lindol nadama sa metro manila - Lindol nadama sa Metro Manila
lindol 2 1 - Lindol nadama sa Metro Manila

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Occidental Mindoro kung saan umabot ang pag-uga sa ilang bahagi ng Metro Manila, Lunes ng madaling-araw

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang nasabing pagyanig ay naganap alas-2:16 ng umaga, 31 kilometro timog-silangan ng bayan ng Looc sa Occidental Mindoro.

Sabi ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity IV sa Looc, Lubang, Mamburao, Paluan, at Sablayan na pawang sa Occidental Mindoro; at Tagaytay City.

Intensity II naman sa Makati, Quezon City, Mandaluyong, Malabon, Muntinlupa at Pasig.

Naramdaman din ang Instrumental Intensity II sa ilang lugar ng Metro Manila tulad ng Las Piñas; Instrumental Intensity I naman sa Marikina.

Hindi inaasahang magdulot ng pinsala ang lindol, pero inaasahan ang mga aftershock, ayon sa Phivolcs. (Shernielyn dela Cruz)

The post Lindol nadama sa Metro Manila first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *