Limitadong face to face class pinaboran -survey

Siniguro ng Department of Education (DepEd) na magkakaroon ng limitadong face to face classes matapos na umangat sa isang independent survey na karamihan ng mag-aaral ay pumabor sa blended learning ngayong pandemic.

The post Limitadong face to face class pinaboran -survey first appeared on Abante.

limitadong face to face class pinaboran survey - Limitadong face to face class pinaboran -survey
Face to Facer - Limitadong face to face class pinaboran -survey

Siniguro ng Department of Education (DepEd) na magkakaroon ng limitadong face to face classes matapos na umangat sa isang independent survey na karamihan ng mag-aaral ay pumabor sa blended learning ngayong pandemic.

Base sa PUBLiCUS Asia Inc., nasa 75% ng respondent ang nag-neutral o nasa positive response pagdating sa usaping blended learning na kung saan sa 1,500 respondents mula sa 100,000 Filipino registered voters na ginawa ng Singapore-based firm.

Nagpasalamat ang DepEd sa publiko sa naging pagtugon sa implementasyon ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP).

“With face-to-face classes prohibited in the past months due to the health crisis, we have developed several alternative platforms for learning, which are accessible and promote interaction among teachers and learners,” ayon sa pahayag ng DepEd.

Lumabas sa resulta na nasa 60% ng respondents ay nais na nasa paaralam kumpara sa pag-aaral sa bahay habang patuloy naman ang DepEd sa pagtuturo ng distance learning modalities kasabay ang tulong ng DepEd Commons at DepEd TV. (Vick Aquino)

The post Limitadong face to face class pinaboran -survey first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *