Lim, Moreno pumirma sa peace covenant, Erap hindi dumalo

NAGKASUNDO ang mga lokal na kandidato sa Lungsod ng Maynila na tiyaking magiging mapayapa at malinis ang idaraos na eleksyon sa Mayo 13 matapos silang lumagda sa isang peace covenant na ginanap sa Manila Cathedral sa Intramuros, Lunes nang umaga.

The post Lim, Moreno pumirma sa peace covenant, Erap hindi dumalo appeared first on Abante News Online.

lim moreno pumirma sa peace covenant erap hindi dumalo - Lim, Moreno pumirma sa peace covenant, Erap hindi dumalo
lim isko - Lim, Moreno pumirma sa peace covenant, Erap hindi dumalo

NAGKASUNDO ang mga lokal na kandidato sa Lungsod ng Maynila na tiyaking magiging mapayapa at malinis ang idaraos na eleksyon sa Mayo 13 matapos silang lumagda sa isang peace covenant na ginanap sa Manila Cathedral sa Intramuros, Lunes nang umaga.

Unang dumating si dating Manila mayor Alfredo Lim at iba pang kandidato sa pagka-konsehal para lumagda sa peace co­venant.

Habang nagpadala lamang ng kinatawan si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa pamamagitan ni City Administrator Jojo Alcomendas at sinabi pa nito na “moth and academic” na ang naturang peace covenant.

Sinabi pa ni Alcomendas na puwedeng tawagin si Estrada na babaero at sugarol pero ayaw nito sa dahas at bayolenteng halalan.

Nahuli naman sa kanyang pagdalo sa okasyon si dating vice mayor Isko Moreno.

Kasama rin sa mga lumagda sa kasunduan ang mga kinatawan ng Commission on Elections (Comelec), Manila Police District (MPD) at ang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Nangako ang mga kandidato na walang sinuman sa kanilang hanay ang magpapasimuno para sa anumang marahas na gawain para mandaya at manakot ng mga botante.
Hinamon naman ng Comelec ang mga kandidato na sundin at tuparin ang nilalaman ng nilagdaan nilang peace covenant para maging violence-free ang Lungsod ng Maynila sa araw ng halalan.
Umaasa rin ang PPCRV na magiging payapa ang halalan sa lungsod para magsilbing halimbawa sa lahat.

Samantala, tiniyak naman ni MPD Director Vicente Danao na hindi niya papayagan ang anumang bayolenteng gawain sa Maynila sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 13.

Nanawagan din si Danao sa Comelec at PPCRV na ipagpatuloy ang ganitong programa para mapanatili ang katahimikan sa halalan.

The post Lim, Moreno pumirma sa peace covenant, Erap hindi dumalo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *