Ligtas at malusog na puwersa ng paggawa isusulong ng DOLE

Katuwang ng labor department sa pandaigdigang kompanya ng agham, ang 3M Philippines sa pagtataguyod ng occupational safety and health (OSH) upang higit na matiyak ang malusog at produktibong workforce.

The post Ligtas at malusog na puwersa ng paggawa isusulong ng DOLE appeared first on Abante News Online.

ligtas at malusog na puwersa ng paggawa isusulong ng dole - Ligtas at malusog na puwersa ng paggawa isusulong ng DOLE
BELLO - Ligtas at malusog na puwersa ng paggawa isusulong ng DOLE

Katuwang ng labor department sa pandaigdigang kompanya ng agham, ang 3M Philippines sa pagtataguyod ng occupational safety and health (OSH) upang higit na matiyak ang malusog at produktibong workforce.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang pakikipagtulungan ay nakatuon sa pagkaka­loob ng mga magkakasamang pagsasanay at kampanya sa pagtataguyod, at pagbabahagi ng impormasyon at teknikal na mapagkukunan para sa pinahusay na pagpapatupad ng mga pamantayan ng OSH upang isulong ang pangkalahatang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa lahat ng industriya.

“The purpose of the agreement is to pursue cooperative projects, programs, and initiatives geared towards developing­ and sustaining a culture of safe, healthy, and productive workforce, which is a key ingredient towards sustained deve­lopment,” ani Bello.

Sa ilalim ng nilagdaang kasunduan, ang 3M Philippines ay magkakaloob ng advance technical trainings and expertise sa tamang paggamit ng Personal Protective Equipment (PPEs) sa mga tauhan ng DOLE, partikular ang mga labor inspector na nagsasagawa ng mga teknikal na inspeksyon sa kaligtasan.

Gayundin, isang joint policy research na magsasagawa ng pagpapaunlad ng mga patakaran at regulasyon ng OSH upang higit­ pang mapangalagaan ang kultura ng ligtas at malusog na trabahador sa pamamagitan ng pagtataguyod ng makatarungan at makataong mga kondisyon sa pagtatrabaho.

“Ensuring the safety of our workers is among our top priorities and we hope that this partnership will bring positive result and develop stronger coopera­tion for enhanced promotion of occupational safety and health,” wika pa ni Bello.

Ang 3M Philippines ay isang pandaigdigang kompanya ng agham na gumagamit ng 46 platform ng teknolohiya na may pinagsamang koponan ng mga siyentipiko at mananaliksik sa pag­likha ng mga pagbabago at mga pagsulong upang mapabuti ang pang-araw-araw na buhay ng mga tao sa buong mundo.

The post Ligtas at malusog na puwersa ng paggawa isusulong ng DOLE appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *