Ligtas at makakalikasang Semana Santa isusulong sa Antipolo City

Ready for action na ang Antipolo City Government sa isang ligtas at maka-Kalikasang paggunita ng Semana Santa ngayong taon sa tulong ng Mapayapa, Mataimtim at Malinis (3M) Campaign bilang tugon sa muling pagdagsa ng milyong-milyong deboto at turista sa lungsod na tinaguriang Pilgrimage Capital ng bansa.
The post Ligtas at makakalikasang Semana Santa isusulong sa Antipolo City appeared first on Abante News Online.

“Dahil ang Antipolo ay pangunahing destinasyon ng mga mananampalataya at turista tuwing Kuwaresma, malaking hamon po talaga ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating lungsod. Kaya naman patuloy po ang aming panawagan sa ating mga kababayan na papanhik na maging responsable lalo na sa kanilang mga kalat,” pahayag ni Antipolo City Mayor Jun Ynares.
Nagbuo ang pamahalaang lungsod ng incident management team na siyang mangunguna at mangangasiwa sa Huwebes at Biyernes Santo. Ang team ay binubuo ng iba’t ibang mga kinatawan mula sa Pamahalaang lokal at nasyonal, pribadong sektor, simbahan, Philippine Red Cross, volunteer groups at mga barangay. Kasama sa kanilang tungkulin ang pagpapanatili ng kaligtasan ng mga publiko at mga responder, pag-aayos ng daloy ng trapiko at pagbibigay ng emergency medical services.
Magtutulong-tulong ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army sa pinaigting na seguridad sa buong lungsod. Halos 30 bus unit naman ang papatakbuhin ng Marikina Bus Lines at G Liner sa mga strategic locationpara magsakay ng mga deboto papunta at paalis ng lungsod.
The post Ligtas at makakalikasang Semana Santa isusulong sa Antipolo City appeared first on Abante News Online.