Lider ng crime group, 2 pa todas sa engkuwentro

crime-scene-patay-dead-body

PATAY ang lider ng kilabot na Fajardo group at da­lawa nitong kasamahan matapos umanong manlaban sa mga aarestong pulis sa Cagayan De Oro City, kamakalawa.

lider ng crime group 2 pa todas sa engkuwentro - Lider ng crime group, 2 pa todas sa engkuwentro
crime scene patay dead body - Lider ng crime group, 2 pa todas sa engkuwentro

PATAY ang lider ng kilabot na Fajardo group at da­lawa nitong kasamahan matapos umanong manlaban sa mga aarestong pulis sa Cagayan De Oro City, kamakalawa.

Kinilala ni Cagayan De Oro City PNP Spokesperson Police Maj. Evan Vinas ang nasawing suspek na si Marvin Fajardo, lider ng grupo, habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng dalawa nitong kasamahan.­

Dala ang warrant of arrest, nagsagawa ng operas­yon ang mga miyem­bro ng Special Action Force (SAF) at mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Laguna laban sa mga suspek matapos na matunton ng mga ito ang hideout ng grupo sa Blk 12, Lot 25, Portico II Grand Europa Subdivision, Brgy. Lumbia ng nabatid na lungsod.

Subalit hindi pa nakakalapit ang mga pulis sa target na bahay ay agad na silang sinalubong ng putok ng mga suspek dahilan upang gumanti ng putok ang awtoridad na ikinamatay ng mga suspek.

Nakakuha ng mga baril at SUV ang pulisya sa bahay ng mga suspek na ngayon ay kanila pang iniimbentaryo.

Sangkot umano ang Fajardo group sa iba’t ibang krimen tulad ng kidnapping, extortion,­ robbery at iba pa, nag-ooperate ang mga ito hindi lang sa ­Laguna ngunit maging sa Batangas, Cavite at Metro Manila. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *