Libong netizen nagbunyi: Imelda Marcos pinagtripan sa Netflix series

Nanguna sa trending sa Twitter ang dating First Lady na si Imelda Marcos matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa isang sikat na Netflix series na ‘The Crown’.

The post Libong netizen nagbunyi: Imelda Marcos pinagtripan sa Netflix series first appeared on Abante.

libong netizen nagbunyi imelda marcos pinagtripan sa netflix series - Libong netizen nagbunyi: Imelda Marcos pinagtripan sa Netflix series
imelda - Libong netizen nagbunyi: Imelda Marcos pinagtripan sa Netflix series

Nanguna sa trending sa Twitter ang dating First Lady na si Imelda Marcos matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa isang sikat na Netflix series na ‘The Crown’.

Pero, isinama, o binanggit ang pangalan ni Marcos hindi para purihin, kundi para kantiyawan pa ang accent ng ex-first lady na nasentensyahang guilty sa graft ngunit hindi pa nakukulong.

Sa ikatlong episode sa Season 4, kinuwento ni Princess Margaret, kapatid ni Queen Elizabeth II, kung paano niya nakilala si Imelda noong magtungo siya sa Maynila.

“She makes a beeline straight for me, saying she’s desperate to show me her… wait for it… shell collection,” biro ni Princess Margaret, na ginampanan ni Helena Bonham Carter.

Si Imelda ay sikat sa pagiging shoe collector, ngunit sa serye ay shell ang ginamit na patama sa pananalita ng Ingles nito.

Sa social media, libong mga netizen ang nasiyahan sa patama ng ‘The Crown’ kay Imelda. (RP)

The post Libong netizen nagbunyi: Imelda Marcos pinagtripan sa Netflix series first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *