Libo-libong trabaho inalako ng DOLE

Sa layong mabigyan ng oportunidad ang lahat ng naghahanap ng trabaho sa iba’t ibang panig ng bansa, libo- libong trabaho mula sa lokal at ibayong-dagat ang ikinasa ng Department of Labor and Employment (DOLE).

The post Libo-libong trabaho inalako ng DOLE appeared first on Abante News Online.

libo libong trabaho inalako ng dole - Libo-libong trabaho inalako ng DOLE
job fair - Libo-libong trabaho inalako ng DOLE

Sa layong mabigyan ng oportunidad ang lahat ng naghahanap ng trabaho sa iba’t ibang panig ng bansa, libo- libong trabaho mula sa lokal at ibayong-dagat ang ikinasa ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ulat ng DOLE Region VI, nasa mahigit 7,000 trabaho ang maaaring mapagpilian ng may 1,000 lumahok na aplikante, mula sa 26 lokal at walong overseas employers na sumali sa job fair.

Nabatid na malaki ang pangangailangang manggagawa sa mga hotel, restaurant at mga kompanya ng kons­truksyon sa lungsod.

Nakapagtala ito ng 500 aplikante mula sa pre-registration at unan­g nakapasok sa job fair area.

Umaasa ang naturang rehiyon na marami ang matatanggap on-the-spot dahil mas marami ang bakanteng trabaho kaysa sa mga aplikante na tumugon.

Samantala, halos 20,000 ang alok na trabaho ng DOLE sa job fair sa San Andres Sports Complex sa Malate, Maynila sa pagdiriwang ng Independence Day.

Karamihan sa mga job opening ay nasa pribadong sektor bilang production machine ope­rator, factory wor­ker, call center agent, cashier at mananahi.

Nasa 7,000 namang bakanteng puwesto sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Internal Revenue, Department of Social Welfare and Development, Metro Manila police at Metropolitan Manila Development Authority.

Gayundin, mayroon ding mga bakanteng trabaho na inalok mula sa Brunei, China, Japan at Saudi Arabia. (Mina Aquino)

The post Libo-libong trabaho inalako ng DOLE appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *