LGU aalisan ng papel sa provincial jail

ISANG panukala ang ­inihain ni Senador ­Ronald “Bato” Dela Rosa na naglalayong ilipat na lang ang kontrol at ­superbisyon ng mga provincial at ­sub-provincial jail sa ­Bureau of Jail Management and ­Penology (BJMP) sa halip sa mga provincial government.

lgu aalisan ng papel sa provincial jail - LGU aalisan ng papel sa provincial jail
jail 1 - LGU aalisan ng papel sa provincial jail

ISANG panukala ang ­inihain ni Senador ­Ronald “Bato” Dela Rosa na naglalayong ilipat na lang ang kontrol at ­superbisyon ng mga provincial at ­sub-provincial jail sa ­Bureau of Jail Management and ­Penology (BJMP) sa halip sa mga provincial government.

Sa ilalim ng Senate Bill 1100 na inihain ni Dela Rosa, layunin din nito na maisaayos ang kasalukuyang penal system sa bansa at tiyaking sapat at epektibo ang ­ibinigay ng proteksiyon sa mga bilanggo.

“Our proposed measure aims to implement a uniformed, ­undeviating standard in the implementation of existing policies and guidelines with regard to the administration of our ­detention facilities,” paliwanag ni Dela Rosa sa kanyang panukala.

“This way, we could ensure a high probabi­lity of success in the­ ­reformation of our Persons Deprived of ­Liberty (PDLs),” dagdag nito.

Sa kasalukuyan, tanging ang city, municipal at district jail ­lamang ang nasa ilalim ng pa­ngangalaga ng BJMP ­habang ang ­provincial at sub-provincial jail naman ay hawak ng provincial government. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *