LGBTQIA+ nag-rally sa DOJ vs Pemberton

Nagsagawa kahapon ng kilos protesta ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa harapan ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila para kondenahin ang desisyon ng korte na palayain na ang US serviceman na si Joseph Scott Pemberton.

The post LGBTQIA+ nag-rally sa DOJ vs Pemberton first appeared on Abante.

lgbtqia nag rally sa doj vs pemberton - LGBTQIA+ nag-rally sa DOJ vs Pemberton
tonite pemberton - LGBTQIA+ nag-rally sa DOJ vs Pemberton

Nagsagawa kahapon ng kilos protesta ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa harapan ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila para kondenahin ang desisyon ng korte na palayain na ang US serviceman na si Joseph Scott Pemberton.

Matatandaang nakulong at hinatulan ng pagkabilanggo sa kasong homicide si Pemberton dahil sa pagpatay sa transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014.

Kabilang sa nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Bahaghari at kanilang mga kaalyadong organisasyon gaya ng Gabriela Youth, na may mga dala pang plakard kung saan nakasaad ang “Justice for Jennifer Laude, Junk EDCA” at iba pa.

Naglagay rin sila ng mga pulang laso sa gate ng DOJ na simbolo umano ng kawalang hustisya para kay Laude at sa sambayanang Pilipino.

Samantala, balak ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipabusisi ang good conduct time allowance (GCTA) na ibinigay kay Pemberton na siyang dahilan umano ng pagpapalaya rito.

“Siya po ay nakulong noong Oktubre 2014, at wala pang Oktubre ngayon, `di man lang nakumpleto ang anim na taon tapos lalaya na. Kaparehong-kapareho talaga ng parusa para sa pagpatay lang ng hayop,” ani Roque. (Juliet de Loza-Cudia/Aileen Taliping)

The post LGBTQIA+ nag-rally sa DOJ vs Pemberton first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *