Leni sa alok ni Digong: Seryoso ka ba?

AYAW munang patulan ni Vice President Leni Robredo ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang mamuno sa giyera kontra droga ng administrasyon.

leni sa alok ni digong seryoso ka ba - Leni sa alok ni Digong: Seryoso ka ba?
robredo 1 - Leni sa alok ni Digong: Seryoso ka ba?

AYAW munang patulan ni Vice President Leni Robredo ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang mamuno sa giyera kontra droga ng administrasyon.

Ayon kay Robredo hindi niya alam kung gaano ka­seryoso ang alok kaya mainam na huwag na muna niya itong sagutin.

“Ayaw kong sagutin muna iyon kasi hindi ko alam kung gaano kaseryoso.

Iyong mga mahahalaga at mga importanteng mga problema ng ating bansa, hindi naman dinadaan sa pagkapikon, hindi naman dinadaan sa pang-iinsulto. Mahirap na papatulan ko, kasi hahaba lang iyong usapan,” paliwanag ni Robredo.

Giit pa nito na nasanay na din siya sa mga insulto ni Pangulong Duterte at ayaw nyang makaapekto pa ito sa kanyang trabaho.

“Kaming mga naninilbihan sa taumbayan, walang space para sa aming ego, walang space para sa emosyon, walang space para sa pagkapikon, kasi hindi namin magagampanan nang maayos iyong aming trabaho,” dagdag pa nito.

Nanindigan naman si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na seryoso si Pangulong Duterte sa kanyang alok kay Robredo.

“Hindi ba sabi (ni Duterte) susulatan niya pa nga e. Kung ‘di ka seryoso bakit mo susulatan?” katuwiran ni Panelo.

Sinabihan pa ni Panelo si Robredo na tanggapin na ang alok na maging drug czar upang sa gayon ay personal niyang maramdaman ang bigat ng problema sa paglaban kontra sa iligal na droga.

“Alam mo, kung ako naman si VP Leni tatanggapin ko para mapakita ko naman ang galing ko rin. At the same time kung mabigo ako, ma-enlighten ako na talaga nga palang ganito kahirap ito, kailangang suportahan natin si Presidente. Eh kung hindi niya tatanggapin, eh alam na natin ang lahat-lahat – puro sa bibig lamang iyon, puro kritisismo lang, puro paninira lang ang ginagawa ng oposisyon na kinakagat niya naman,” ani Panelo. (Tina Mendoza/Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *