Leni kay Digong: Maghinay sa banat sa mga pari

Leni kay Digong: Maghinay sa banat sa mga pari

DAGUPAN, Pangasinan — Muling pinaalalahanan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na maging maingat sa binibitawang salita, sa gitna ng muli nitong pag-atake sa mga pari at obispo.

The post Leni kay Digong: Maghinay sa banat sa mga pari appeared first on Abante News Online.

leni kay digong maghinay sa banat sa mga pari - Leni kay Digong: Maghinay sa banat sa mga pari
duterte 39 - Leni kay Digong: Maghinay sa banat sa mga pari

DAGUPAN, Pangasinan — Muling pinaalalahanan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na maging maingat sa binibitawang salita, sa gitna ng muli nitong pag-atake sa mga pari at obispo.

Mariin ang pagtutol ni Robredo sa paninira at pagbabanta na inaabot ng kaparian mula kay Duterte.

Para sa Pangalawang Pangulo, dapat ma­ging mabuting halimbawa ang Presidente sa taumbayan at magpakita ng paggalang hindi lang sa Simbahang Katoliko, kundi maging sa ibang relihiyon at paniniwala.

Ayon kay Robredo, kung may pagkakasala ang isang pari, panagutin ito sa pamamagitan ng tamang pro­seso kaysa pagbantaan, gaya ng kasalukuyang ginagawa ng Pangulo.

“Kaming mga public officials, mayroon kaming mas malaking responsibility na hindi natin nasasaktan iyong sensitivities ng mga tao, lalo na pagdating sa relihiyon,” aniya.

“Huwag namang sabihin na ipapapatay iyong mga pari, kasi iyong nasasaktan nito hindi lang naman iyong mga pari, pero iyong mga faithful, na iyong mga faithful ang tinitingnan nilang parang representative ng faith nila, iyong Simbahan at iyong pari. So kapag tinira mo sila, ang nasasaktan iyong mga naniniwala. At sabi ko, hindi iyan limited sa Catholic faith. Kahit iba pang faith, ganoon din.”

The post Leni kay Digong: Maghinay sa banat sa mga pari appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *