Leaf art pantanggal stress ng estudyante

Patok sa mga netizen ang kakaibang materyal na ginamit ng isang estudyante sa Tarangnan, Samar para sa kanyang art.

The post Leaf art pantanggal stress ng estudyante first appeared on Abante.

leaf art pantanggal stress ng estudyante - Leaf art pantanggal stress ng estudyante
Leaf art - Leaf art pantanggal stress ng estudyante

Patok sa mga netizen ang kakaibang materyal na ginamit ng isang estudyante sa Tarangnan, Samar para sa kanyang art.

Ayon kay Ryan Rio Legatub Managaysay, 21, secondary education student ng Samar State University, bukod sa pantanggal niya ng stress ngayong may pandemya, kumikitata pa umano siya sa paggawa niya ng artwork gamit ang dahon.

Ilan sa mga sikat na personalidad na kanyang ginawan niya ng art ay sina Pangulong Rodrigo Duterte, Pope Francis, Senador Manny Pacquiao, at Manila City Mayor Iskor Moreno, gamit ang dahoon ng salikupkop o basket fern at blade.

Aniya, nasa dalawa hanggang apat na oras umano ang ginugugol niya para makagawa ng portrait sa dahoon. Ito rin umano ang paraan niya para malagpasan ang pagkainip ngayong may kinakaharap na health crisis ang bansa.

Sa kanyang post sa social media, makikita ang iba pang mga gawa ni Managaysay para sa iba pang mga nagpapagawa sa kanya ng art. Nagpasalamat din siya sa mga taong sumuporta sa kanya.

Sa isang panayam, sinabi niyang positibo siya na masusuportahan ng leaf art ang kanyang pag-aaral bukod pa sa tulong na ibinibigay sa kanya ng kanyang tita na nagbabayad sa mga gastusin nito sa kanyang pag-aaral. (PNA)

The post Leaf art pantanggal stress ng estudyante first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *