LBC lugi ng P686M sa pandemya

Nalugi ng P686.9 milyon ang LBC Express Holdings nung 2nd quarter ng taon kahit pa ang negosyo nito ay nasa logistics at money transfer services na patok na patok dahil sa lockdown o community quarantine na pinatutupad.

The post LBC lugi ng P686M sa pandemya first appeared on Abante.

lbc lugi ng p686m sa pandemya - LBC lugi ng P686M sa pandemya
abante lbv - LBC lugi ng P686M sa pandemya

Nalugi ng P686.9 milyon ang LBC Express Holdings nung 2nd quarter ng taon kahit pa ang negosyo nito ay nasa logistics at money transfer services na patok na patok dahil sa lockdown o community quarantine na pinatutupad.

Sabi ng kompanya, apektado ng COVID-19 pandemic ang negosyo nito. Maraming mga flights ang nakansela dahil sa community quarantine kaya’t napiiltan itong gamitin ang RORO para dalhin ang mga padala mula NCR papuntang Visayas at Mindanao at pabalik.

Ayon sa LBC Express holdings, bumagsak ng 54% ang benta nito o ang tinatawag nitong service revenues sa P1.8 bilyon nung 2nd quarter ng taon samantalang nasa P4 bilyon na ito nung 2nd quarter nung 2019.

“The decline is the result of worldwide community quarantine as a response to the OCVID-19 pandemic in the second quarter of 2020. The Group had selected branches opened and delivery remained operational but the lead times are extended due to security and travel restrictions,” ayon sa LBC Holdings.

Bumaba man ang gastos nito o ang tinatawag na cost of services ng 31% sa P2.02 bilyon, mas malaki pa rin ang gastos ng kompanya kaysa sa benta kaya lugi ito. (Eileen Mencias)

The post LBC lugi ng P686M sa pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *