LBC ‘LASLAS’ padala talamak sa mga OFW

Dinemanda ng isang overseas Filipino worker sa Singapore ang LBC na inireklamo nito sa paglalaslas ng balikbayan box na ipinadala niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

The post LBC ‘LASLAS’ padala talamak sa mga OFW first appeared on Abante.

lbc laslas padala talamak sa mga ofw - LBC ‘LASLAS’ padala talamak sa mga OFW
abnate lbc - LBC ‘LASLAS’ padala talamak sa mga OFW

Dinemanda ng isang overseas Filipino worker sa Singapore ang LBC na inireklamo nito sa paglalaslas ng balikbayan box na ipinadala niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Nagpunta si Shirly Montina Asuncion sa Small Claims Tribunals ng Singapore noong October 13 para pormal na ireklamo ang LBC at pinaghaharap sila ng korte sa December 3, 2020.

Sabi ni Asuncion sa kanyang Facebook post, nagsampa siya ng claim hindi lang para maibalik ang kanyang pera kundi dahil pinaghirapan niya ang bawat laman ng box na kanyang inipon sa loob ng anim na buwan para ipadala sa kanyang pamilya.

“Hindi mababayaran ng pera. Ayaw ko na may isa pa na mabiktima,” sabi ni Asuncion.

Nanawagan rin siya sa lahat ng mga OFWs sa Singapore na nalaslasan ng balikbayan box na pinadala sa LBC na samahan siyang maghain ng claim sa korte sa Singapore.

Aniya, SGD$245 o P8,687.75 ang kanyang binayad imbes na SGD$170 o P6028.23 dahil hindi kasya sa extra large na box ng LBC ang kanyang pinadala. May larawan pa si Asuncion ng napakalaking LBC box na pinaglagyan ng kanyang padala. May larawan din siya ng mga sari-saring groceries at iba pa.

July 3 niya pinadala ang balikbayan box ngunit September 23 ito nakarating sa Pilipinas na nagkataong birthday ng kanyang anak.

Imbes na isang malaking box ang dumating sa bahay niya at naging tatlong kahon ito at may mga nawawala at sira na ang packaging.

Kinalampag rin ni Asuncion ang mga OFWs sa Singapore na iboykot ang LBC para hindi nila abutin ang nangyari sa kanya.

Maliban kay Asuncion ay may ilang OFW rin ang nagsabing maging sila ay nabiktima ng laslas balikbayan box pero hirap silang maghain ng reklamo dahil sa trabaho.

Giit ni Asuncion, naka-block daw siya sa Facebook ng LBC Express Inc. ngunit sinabi ng LBC Express na sila ang binlock ni Asuncion. Sabi ng LBC Express, dalawang beses silang binlock ni Asuncion maging sa private message.

Sabi ng LBC Express, nakipagareglo na sila tungkol sa ninakawan na balikbayan box ngunit nang pinoproseso ang refund, sinabi ni Asuncion na may tumawag sa kanya para sabihing mas maliit na ang kanyang makukuhang halaga.

Ang claim ni Asuncion ay para sa SGD$1,069 o P37,970.13 na naaprubahan na at ginagawan ng tseke ngunit umayaw si Asuncion ng may tumawag sa kanya para sabihing SGD$ 150 o P5,327.90 lamang.

Ayon sa LBC, na-trigger si Asuncion kaya ito nagsampa ng kaso.

“This is obviously a miscomm. LBC was settling the full amount being claimed,” sabi ng LBC. (Eileen Mencias)

The post LBC ‘LASLAS’ padala talamak sa mga OFW first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *