Lazada, Shopee walang puknat sa peke

Kinuwestyon ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga kinatawan ng Lazada at Shopee tungkol sa mga produktong ibinebenta sa kanilang platform.

The post Lazada, Shopee walang puknat sa peke first appeared on Abante.

lazada shopee walang puknat sa peke - Lazada, Shopee walang puknat sa peke
tonite lazada - Lazada, Shopee walang puknat sa peke

Kinuwestyon ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga kinatawan ng Lazada at Shopee tungkol sa mga produktong ibinebenta sa kanilang platform.

Sa pagdinig ng Senate committee on trade and commerce, bukod sa mga food supplement na ibinebenta ngayon sa kanilang platform na natuklasang may health warning mula sa Food and Drug Administration (FDA) ay naglabas din ng ulat ang Optical Media Board (OMB) na kabilang sa mga inaalok ngayon online ay walang lisensiya o kaya pekeng mga software.

Ipinakita ni Gatchalian ang FDA Advisory No. 2017-15 tungkol sa public health warning laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong food supplement na “Wheyl Just Whey Protein”.

Hindi umano dumaan ito sa registration process at wala ring proper authorization o Certificate of Product Registration mula sa FDA kaya’t ipinagbabawal ang pagbenta at distribusyon nito sa merkado.

Subalit sa kabila ng babala o advisory ng FDA, nadiskubre ni Gatchalian na ibinibenta pa rin ito sa Lazada at Shopee.

Ayon kay Gatchalian, lubhang napakadelikado sa kalusugan ng tao kung mabibili ang nasabing produkto na wala namang permiso mula sa FDA.

Aniya, hindi sapat ang ginagawa ng mga online platform na pagbabantay sa mga produktong kanilang ibibenta.

Bago ito, naglabas ng ulat ang OMB hinggil sa mga binebenta ngayon online na walang lisensiya o pekeng mga software.

Halimbawa rito ang adobe software na nagkakahalaga ng P18 lamang dahil cracked version lamang ito. Ang Microsoft office naman ay mabibili ng P860 online.

Ayon kay OMB chairman Atty. Anselmo Adriano, may 1,607 item na adobe software ang binebenta online na walang lisensiya. May 92 item din na auto cad na ibibenta sa internet sa halagang P40 lamang.

Bukod diyan, may nagbebenta rin umano ng mga pelikula na P20 lamang ang halaga gaya ng Marvel movies at “Hello Love Goodbye” na pirated version.

“We recently also found on their website, various storage devices and equipment sold over at the platform but these sellers have no license from OMB,” sabi ni Adriano.

Lazada, Shopee aminadong nalulusutan

Umamin naman si Ray Alimurong, CEO ng Lazada Philippines, na may ilang nakakalusot sa kanila subalit hindi ito nangangahulugan na hindi umano nila ito binabantayan.

Kapag nakatanggap naman umano sila ng report o take down notice sa mga regulator kagaya ng OMB, agad nilang inaalis ang produkto sa kanilang site.

“We can react very quickly to complaints and we work with regulators. Once we received a notice of take down, we act very quickly. We respond to customer complaint quick,” ayon kay Alimurong.

Sinabi naman ng kinatawan ng Shopee na may mga procedure din sila para i-take down and mga pekeng produkto na binebenta sa kanilang platform.

Kaugnay nito, inihayag ng Lazada na balak nilang i-ban ang mga small seller gayundin ang mga food at drug vendor sa kanilang app matapos na sitahin ng Senado hinggil sa mga pekeng produkto.

I-raid ng OMB

Sinabi naman ni Sen. Garchalian na base sa iprinisenta ng OMB chief ay nagiging bagsakan na umano tayo ng mga pekeng produkto.

Ayon pa sa senador, huwag na umanong mag-raid sa Greenhills ang OMB sa halip ay sa Lazada at Shopee na lang dahil sa mga binunyag na bentahan ng mga walang lisensya o pekeng software sa mga nasabing shopping platform.

“As demonstrated by Atty. Adriano, we are becoming a dumping ground for dishonest individuals and this what we are trying to prevent. This is creating an unfair environment for honest entrepreneurs,” ani Gatchalian. (Dindo Matining)

The post Lazada, Shopee walang puknat sa peke first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *