Lazada sabit sa tooter sale

PINAGPAPALIWANAG ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang online shopping na Lazada, kung bakit nag-aalok ang kanilang kompanya sa platform nito ng mga ‘drug paraphernalia.’

lazada sabit sa tooter sale - Lazada sabit sa tooter sale
lazada 1 - Lazada sabit sa tooter sale

PINAGPAPALIWANAG ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang online shopping na Lazada, kung bakit nag-aalok ang kanilang kompanya sa platform nito ng mga ‘drug paraphernalia.’

Ito ay makaraang masakote ang nurse at pharmacist sa magkahiwalay na drug bust nitong Miyerkoles sa isang hotel sa Pasig City at sa Kamuning,­ Quezon City. Sa isinagawang interogasyon kina Juan Carlos Reyes Antonio, licensed pharmacist at Nilo Manipon Ramirez, isang registered nurse, umamin sila na nabili nila ang tooter sa online shopping site na Lazada sa halagang P2,500.

“We need an explanation from the Lazada side, why are they selling these particular paraphernalia? The mere fact they are selling this one is unauthorized. It’s illegal,” giit ni Aquino.

Binigyang diin ng PDEA chief, ang ‘tooter’ ay hindi maaaring gamitin sa ibang pamamaraan at kadalasang ginagamit sa illegal drugs.

Dahil dito, ay iimbestigahan din ng PDEA ang posibleng pagbebenta din ng iligal na droga sa online shopping platform.

“It was found out for the first time na ang tooter nao-order sa Lazada. So nu’ng una we don’t believe them until we found these items on Lazada. So kung merong mga improvised tooter na binebenta itong mga ‘to, most likely, baka meron na ring droga na binebenta roon,” ayon kay Aquino.

Binigyang diin ng PDEA official, maliban sa umano’y pagkakaroon ng illegal drug paraphernalia sa mga online shopping platform, ang mga drug pusher ay nagiging matalino na at gumagamit na rin ng delivery app na Lalamove para sa kanilang iligal na gawain.

Aniya, ang mga buyer ay nagbabayad sa seller gamit ang online money transfer platform na GCash upang hindi na sila magkita o magtagpo pa sa isang lugar at maiwasan o matiktikan ng mga awtoridad.

“If you want to order drugs from them, gumagamit lang ng gcash. Online pa rin para maka-order ng drugs sa kanila,” dagdag pa ng PDEA chief.
Hindi pa nagbibigay ng paliwanag ang Lazada habang sinusulat ang balitang ito. (Dolly Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *