Lasing na ‘di nakalabas ng bahay, natusta sa sunog sa Davao del Sur

DAHIL sa kalasingan ay hindi na nakuha pang makalabas ng kanyang nasusunog na bahay ang isang lalaki matapos itong matupok ng apoy kamakalawa nang gabi sa bayan ng Bansalan Davao del Sur.

The post Lasing na ‘di nakalabas ng bahay, natusta sa sunog sa Davao del Sur appeared first on Abante News Online.

lasing na di nakalabas ng bahay natusta sa sunog sa davao del sur - Lasing na ‘di nakalabas ng bahay, natusta sa sunog sa Davao del Sur
fire 1 - Lasing na ‘di nakalabas ng bahay, natusta sa sunog sa Davao del Sur

DAHIL sa kalasingan ay hindi na nakuha pang makalabas ng kanyang nasusunog na bahay ang isang lalaki matapos itong matupok ng apoy kamakalawa nang gabi sa bayan ng Bansalan Davao del Sur.

Ayon kay Police Major Rodante Varona, hepe ng Bansalan Municipal Police Station, naririnig pa umano ang ungol habang nasusunog ang biktimang si Mendioro Gallardo, 24, matapos magliyab ang bahay nito pasado alas-11:00 nang gabi sa Purok 5, Brgy .Eman ng nabatid na bayan.

Napag-alaman pa na bago ang sunog, nag-inuman pa ang biktima kasama ang kanyang dalawang kaibigan na sina Marvin Lascania, 22, at Lloyd Barro Teves, 35-anyos.

Naghiwa-hiwalay ang mga ito alas-11:00 nang gabi subalit ayon kay Lascania na nakatira lang malapit sa bahay ng biktima, patulog na siya nang makita niyang nagliliyab ang bahay ni Gallardo kaya agad itong tumakbo patungo ng bahay subalit dahil sa gawa lang sa mga kahoy at pawid ay mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan kaya hindi na niya nakuha pang pasukin at iligtas ang biktima.

Dinig na dinig din umano nito ang ungol ng biktima habang nasusunog sa loob ng kabahayan suba­lit wala siyang magawa dahil halos tupok na ang buong bahay.

Wala namang nadamay na ibang kabahayan sa naganap na sunog.

Base sa inisyal na imbestigasyon, posibleng nagpakulo ng tubig ang biktima at dahil sa kalasingan ay nakatulugan ang pinakuluang tubig dahilan nang nangyaring sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa insidente. ­(Edwin Balasa)

The post Lasing na ‘di nakalabas ng bahay, natusta sa sunog sa Davao del Sur appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *