Lasenggo nangisay sa kanal

HINDI na nakauwi nang buhay sa kanyang bahay ang isang la­laki nang mahulog sa kanal at makuryente sa Tayabas City.

lasenggo nangisay sa kanal - Lasenggo nangisay sa kanal
dead 20 - Lasenggo nangisay sa kanal

HINDI na nakauwi nang buhay sa kanyang bahay ang isang la­laki nang mahulog sa kanal at makuryente sa Tayabas City.

Dahil sa sobrang kalasingan, hindi na nakarating sa kanyang bahay ang isang lalaki na nakuryente sa kanyang kinahulugang kanal sa Tayabas City Sabado nang umaga.

Ayon sa Tayabas Police, alas-sais nang umaga nang makita ang bangkay ng biktimang si Jonathan Dada, 45-anyos, na nakabulagta sa open canal sa gilid ng kalsada sa Barangay Ila­yang Nangka.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima noong Biyernes nang gabi habang nakikipag-inuman sa ginanap na binyagan sa isang bahay.

Pasuray-suray na naglakad nang papauwi ang biktima matapos ang inuman.
Posible umanong napahawak ang biktima sa bakod na barbwire habang tinatangka nitong bumangon mula sa pagkahulog sa kanal.

Pero nagkataon umano na grounded ang alambre matapos na ito ay dumikit sa talop na linya ng kuryente na nakakonekta sa mga bahay sa nasabing lugar.
Inamin naman ng mga kaanak nito na alcoholic ang biktima at parating nagpapakalasing kapag napapainom.

Isinailalim na sa pagsusuri ang katawan ng biktima upang matiyak na walang foul play sa pangyayari. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *