Las Piñas nakapagtala ng maraming COVID recovery

Naitala kahapon ng pamahalaang-lokal ng Las Pinas ang paggaling ng kanilang 151 residente mula sa COVID-19 na tinuturing na pinakamalaking bilang ng recovery sa lungsod sa loob lang ng isang araw.

las pinas nakapagtala ng maraming covid recovery - Las Piñas nakapagtala ng maraming COVID recovery
las pionas - Las Piñas nakapagtala ng maraming COVID recovery

Naitala kahapon ng pamahalaang-lokal ng Las Pinas ang paggaling ng kanilang 151 residente mula sa COVID-19 na tinuturing na pinakamalaking bilang ng recovery sa lungsod sa loob lang ng isang araw.

Ayon sa city health office, nagmula ang mga gumaling na residente sa 20 barangay sa lungsod kung saan pinakarami rito ay taga-Barangay Pulanglupa Dos, Manuyo at Talon Dos.

Dahil dito, sinabi ni Mayor Imelda “Mel: Aguilar na umabot na sa 654 ang kabuuang bilang ng mga residenteng gumaling sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ay mayroong 292 aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod mula sa binabantayan nilang 999 na kumpirmadong mga kaso. Umabot naman sa 53 ang pumanaw sa nasabing virus.

May 56 residente na nagpositibo sa COVID-19 ang dinala sa isolation facility na LIGTAS 1 for COVID Center sa Bgy. Daniel Fajardo at 54 pa sa LIGTAS 3 sa Sogo Hotel, Alabang para lubusang mabantayan ang kanilang kalagayan.

Sa datos ng CHO noong Martes, mayroon ng 6, 844 residente ang naisalang sa swab testing habang 10,028 naman ang sumailalim sa rapid testing.para matukoy kung carrier sila ng COVID-19. (Mia Billones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *