Lapis na puwedeng itanim patok sa Cebu

ISANG kompanya sa Cebu ang nakagawa ng paraan para ang mga nagamit nang lapis ay maaari pa ring mapakinabangan sa pamamagitan ng pagpapatubo nito sa halaman.

The post Lapis na puwedeng itanim patok sa Cebu appeared first on Abante News Online.

lapis na puwedeng itanim patok sa cebu - Lapis na puwedeng itanim patok sa Cebu
lapis 1 - Lapis na puwedeng itanim patok sa Cebu

ISANG kompanya sa Cebu ang nakagawa ng paraan para ang mga nagamit nang lapis ay maaari pa ring mapakinabangan sa pamamagitan ng pagpapatubo nito sa halaman.

Ang plantable pencil ng Eco Hub Cebu ay maaaring tumubo bilang halaman dahil sa naka-lagay nitong binhi sa dulo.

Hindi umano ito nalalayo sa ordinaryong lapis, maliban sa dulo nito imbes pambura ay nilagyan ng gelatin capsule na may lamang mga buto na maaaring itanim at madali naman umanong tumubo.

Dagdag pa nito, walang nakalalasong kemikal ang nasabing lapis at ang mga butong nakalagay dito.

Maaaring mamili sa buto ng kamatis, sunflo-wer, carrot o basil, na madaling tumubo sa loob ng lima hanggang sampu araw.

The post Lapis na puwedeng itanim patok sa Cebu appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *