Lapid jackpot sa opisina ni Chiz

MISTULANG tumama ng jackpot si Senador Lito Lapid matapos na makuha nito ang magarang opisina ng dating senador at ngayon ay Sorsogon Gov. Francis ‘Chiz’ Escudero sa ikalimang palapag ng Senado.

The post Lapid jackpot sa opisina ni Chiz appeared first on Abante News Online.

lapid jackpot sa opisina ni chiz - Lapid jackpot sa opisina ni Chiz
2019 Abante Lito Lapid - Lapid jackpot sa opisina ni Chiz

MISTULANG tumama ng jackpot si Senador Lito Lapid matapos na makuha nito ang magarang opisina ng dating senador at ngayon ay Sorsogon Gov. Francis ‘Chiz’ Escudero sa ikalimang palapag ng Senado.

Wala kasing ginalaw na gamit at muwebles si Escudero nang umalis ito noong Hunyo 30, kasabay ng pagtatapos ng termino sa Senado at pagsisimula ng trabaho bilang gobernador.

Tsinelas at walis na lang ang kailangang bitbitin ni Lapid sa pag-okupa nito sa opisina ni Escudero dahil wala na siyang kailangang baguhin dito.
Malaki ang natipid ni Lapid sa pag-okupa ng opisina ni Escudero, kumpara sa ibang bagong senador na kinailangan pang i-renovate ang mga nakuhang kuwarto.

Noong sumabak sa kampanya si Lapid, malaki rin ang natipid nito sa campaign ads dahil sa napasama ito sa cast ng patok na teleseryeng ‘Ang Probinsya­no’ ni Coco Martin kung saan ginampanan niya ang papel na Romulo ‘Leon’ Dumaguit o ‘Pinuno’.

Gumastos lamang si Lapid ng P10.7 milyon sa kampanya, base sa isinumite nitong Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec).

The post Lapid jackpot sa opisina ni Chiz appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *